Chinese Consul General sugatan, 2 kasama patay sa pamamaril sa Cebu City

By Den Macaranas October 21, 2015 - 05:18 PM

cebu-map
Inquirer file

Malubhang nasugatan at ngayo’y ginagamot sa Cebu City Hospital si Chinese Consul General Song Ronghua samantalang patay naman ang dalawa sa kayang mga staff makaraan silang pagbabarilin habang kumakain sa loob ng isang restaurant sa Cebu City.

Sa paunang report ng mga tauhan ng Cebu City Police Station, kasama ng Consul General ang kanyang mga tauhan na kinilalang sina Consul Hui Li at Consul Sun Shen at iba pang mga kaibigan habang kumakain sa loob ng Lighthouse Restaurant na matatagpuan sa Maxilom st. sa nasabing lungsod.

Nagdiriwang ng kaarawan si Ronghua at kasama sa kaniyang bisita noon ang mag-asawang suspek na sina Consul Gou Jing at Li Uing Ling.

Napansin na ng mga empleyado ng restaurant na mistulang nagsisigawan ang grupo habang sila ay kumakain, bagaman hindi maunawaan ang kanilang pinag-uusapan.

Matapos ito ay nakarinig na lamang ng putok ang mga empleyado at bumulagta na si Ronghu at dalawa pang Chinese diplomats.

Nananatili namang tikom ang bibig ng mga opisyal ng Chinese Embassy hingil sa mga detalye sa naganap na krimen.

 

TAGS: cebu, Chinese Counsul, Lighthouse restaurant, cebu, Chinese Counsul, Lighthouse restaurant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.