WATCH: Lalaki patay matapos tumalon sa Ferris Wheel ng Star City

CREDIT: MARK SUSANO

Patay ang isang lalaki makaraang tumalon habang nakasakay sa Ferris Wheel sa amusement park na Star city sa Pasay.

Nangyari ang insidente Linggo ng gabi at ang video ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Mark Susano.

Makikitang nakabulagta ang lalaki na sinaklolohan ng medical personnel ng Star City.

Bagaman batay sa pahayag ng mga nakakita ay tumalon mula sa Ferris Wheel ang lalaki ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya.

Ang Ferris Wheel ng Star City ay may taas na halos 200 talampakan.

Read more...