2 arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela City

Dalawang drug suspects ang nadakip sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Valenzuela City.

Nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Special Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City police sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan nadakip ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal ng droga.

Kinilala ang mga itong sina Joel “Patotoy” Arcibar, 32 anyos at Ronald Soriano, 40 anyos.

Nadakip ang dalawa sa Barangay Malinta at nakuha mula sa kanila ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money na P300.

Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa.

 

Read more...