VIRAL: Bata iniwan ng magulang sa loob ng kotse sa Pasig

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 09, 2018 - 07:53 AM

Viral ngayon ang isang video na pinost sa Facebook kung saan makikita ang isang bata na umiiyak at nag-iisa sa loob ng isang sasakyan.

Ayon kay Jasper Pascual, ang netizen na kumuha at nag-post ng video, pauwi na siya nang madinig niya ang iyak ng bata mula sa loob ng isang Toyota Fortuner na may plakang WMI 661 sa Metrowalk sa Ortigas, Pasig City.

Nilapitan niya ang sasakyan dahil malakas ang iyak ng bata na tila humihingi ng tulong at doon niya nakitang wala itong kasama sa loob.

Hindi rin nakabukas ang makina ng sasakyan kaya wala itong aircon.

Dahil dito, agad humingi ng tulong sa mga gwardya si Pascual para ipahanap ang magulang ng bata dahil posible itong ma-suffocate saloob ng sasakyan kung hindi ito agad mailalabas.

Sa pagtaya ni Pascual nasa edad 2 taon lang ang bata. Makalipas ang ilang minute dumating ang magulang ng bata na aniya ay nakipagtalo pa sa gwardya.

Umani ng batikos sa mga netizen ang ginawa ng magulang ng bata.

Marami rin ang tinawag ang atensyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hiniling na hanapina ng magulang at kasuhan ang mga ito sa kanilang ginawa.

TAGS: metro walk, Pasig City, Radyo Inquirer, viral video, metro walk, Pasig City, Radyo Inquirer, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.