Sampu ang patay habang 73 ang nasugatan makaraang madiskaril ang isang tren sa northwest Turkey matapos ang naranasang malakas na pag-ulan na nagdulot ng landslide.
Sakay ng tren ang 362 na mga pasahero at patungo ng Istanbul nang lumihis sa riles ang limang bagon ng tren.
Kinumpirma ng tanggapan ng prime minister ng Turkey ang bilang ng mga nasawi at nasugatan.
Ayon naman sa pahayag ng local governor sa Tekirdag, ang malakas na buhos ng ulan na naranasan sa lugar ang dahilan ng aksidente. Nagdulot kasi ito ng paglambot ng lupa.
Agad namang nagdeploy ng helicopter ambulances para mabilis na maibyahe ang mga sugatang pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES