Creamline wagi sa unang laban para sa PVL finals

By Justinne Punsalang July 09, 2018 - 12:00 AM

Inuwi ng Creamline Cool Smashers ang unang panalo para sa best-of-three championship series kontra PayMaya High Flyers sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena.

Natapos ang laro sa iskor na 25-21, 22-25, 25-20, at 25-19 pabor sa Cool Smashers.

Ayon sa team captain ng Creamline na si Alyssa Valdez, bagaman wagi sila sa unang laro para sa championships ay hindi naman minamaliit ng kanilang koponan ang High Flyers.

Aniya, hindi madaling mawalan ng kumpyansa ang PayMaya at tiyak na babawi ito sa susunod na laro.

Pinangunahan ni Kuttika Kaewpin ang Cool Smashers sa pamamagitan ng kanyang 19 points. Sinundan naman siya ni Valdez na nakapagbigay ng 18 points.

Samantala, para sa PayMaya, si Tess Rountree ang nanguna matapos niyang makapagtala ng 26 na puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.