DOH: Hindi kailangan ng express lanes para sa mga kaso ng leptospirosis

By Rhommel Balasbas July 09, 2018 - 01:26 AM

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi na kailangan na bumuo ng express lanes sa mga ospital para sa mga kaso ng leptospirosis.

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng kagawaran ng outbreak ng naturang sakit sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Tuwing tag-ulan kasi ay mayroong mga fast lanes ang mga ospital para sa isa pang ‘water-borne disease’ na ‘dengue’ na inoobliga ng DOH.

Ito ay upang matiyak na ginagawang prayoridad at binibigyan agad ng atensyong medikal ang mga may kaso ng dengue.

Gayunman, ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, hindi hamak na mas marami ang kaso ng dengue kaysa sa leptospirosis.

Anya pa, nagbigay na ang kagawaran ng direktiba sa mga ospital na iprayoridad ang paggamot sa mga hinihinalang kaso ng leptospirosis lalo na ang mga nagpapakita ng sintomas ng renal problems o problema sa kidney, hirap sa pag0ihi at paninilaw ng mata at balat.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng deklarasyon ng DOH ng outbreak ng sakit sa halos tatlumpung baranggay sa walong lungsod sa Metro Manila.

Mahigit 450 kaso na ng leptospirosis ang naitatala sa NCR kung saan 58 na ang namatay.

TAGS: Health, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.