Budget ng PAGASA inaasahang mababawasan sa 2016

By Chona Yu October 21, 2015 - 04:10 PM

Inquirer/LYN RILLON
Inquirer file photo

Nangangamba si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bababa ng 86-percent ang pondo ng PAGASA sa susunod na taon.

Ito ay kung hindi aaprubahan ng Pangulong Benigno Aquino III ang PAGASA Modernization Bill na nakalusot na sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng P3Billion na pondo ang PAGASA para sa makabagong weather equipments, operational techniques, data center upgrades, information services, human resources, regional at field weather presence, research at global linkages.

Ipinaliwanag ni Recto na kailangang mabigyan ng sapat na pondo ang PAGASA dahil ito ang magliligtas sa sambayanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon kapag may bagyo na tumatama sa bansa.

Sa ngayon ay nasa Malakanyang na ang panukala at naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo para maging ganap na batas.

Umaasa rin ang mambabatas na makakakuha ng suporta sa mga miyembro ng gabinete ang nasabing panukala.

 

TAGS: Aquino, Congress, Pagasa, Recto, Aquino, Congress, Pagasa, Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.