4 na miyembro ng soccer team na na-trap sa isang kweba nasagip

AP

Nasagip na ng mga rescuers ang apat na miyembro ng soccer team na na-trap sa loob ng isang kweba nang mahigit dalawang linggo.

Nagsimula ang rescue mission Linggo ng umaga, kung saan kinailangan pang sumisid ng mga expert divers bago makarating sa mga na-trap na soccer team, kasama ang kanilang coach.

Bago sumapit ang alas-8 ng gabi nang iulat ng Thai Navy SEALs na nasagip na nila ang apat na kabataan.

Ayon kay Chiang Rai acting Governor Narongsak Osatanakorn,mas maayos ang naging takbo ng operasyon kaysa sa kanilang inaasahan.

Sa ngayon aniya ay nasa ospital na ang mga nasagip at magsisimula na ang ikalawang bugso ng operasyon sa loob ng 10 hanggang 20 oras.

Ayon naman kay Army Major General Chalongchai Chaiyakam, posibleng abutin ng dalawa hanggang apat na araw ang kabuuang rescue mission, depende pa sa kundisyon ng panahon at lagay ng tubig.

Bahagi ng gagawing pagsagip ang pagdaan sa madilim at masikip na passageways na puno ng maputik na tubig at malakas na alon. Malaki ring sagabal ang kawalan ng oxygen na makukuha mula sa lugar.

Read more...