3 patay sa pagtaob ng bangka sa Camarines Sur

By Justinne Punsalang July 09, 2018 - 01:17 AM

Nasawi ang tatlo katao, habang nawawala pa rin ang dalawang iba pa matapos tumaob at lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa Buhi Lake sa bayan ng Buhi, Camarines Sur.

Ayon sa mga otoridad, lulan ng motorized banca ang 12 magkakamag-anak nang tumaob ito sa hindi pa batid na dahilan bandang alas-8:15 ng gabi ng Linggo.

Agad na nasagip ang pitong miyembro ng pamilya.

Kinilala ang mga nasawi na sina Soldedad Siocson, 58 toang gulang; Liza Siocson, 48 taong gulang; at Gabriel Bejerano, 3 taong gulang.

Ang mga nawawala naman ay sian Joshua Bejerano, 12 taong gulang; at Jonas Menorca, 6 na taong gulang.

Kasabay sa paghahanap sa dalawang nawawalang menor de edad ay patuloy rin ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa dahilan ng pagtaob at paglubog ng kanilang sinasakyang bangka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.