Mga CCTV at Smartphones malaking tulong sa pagbaba ng krimen sa NCR

By Rhommel Balasbas July 09, 2018 - 03:01 AM

Malaki ang tulong ng mga Closed-Circuit Televisions (CCTVs) at Smartphones sa pagbaba ng krimen sa Metro Manila ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP), bumaba ng 25 percent ang bilang ng krimen sa Metro Manila sa unang anim na buwan ng taong ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

Dahil anya sa pag-usbong ng bagong teknolohiya tulad ng smartphones, CCTVs, GPS, maging ng social media ay mabilis na naipahahatid sa mga pulis ang mga impormasyon.

Nagreresulta anya ito para maging mahusay at matagumpay ang pagresponde ng mga awtoridad.

Samantala, iginiit naman ng opisyal na bukod sa mga teknolohiyang ito ay malaking tulong rin ang giyera kontra droga ng pamahalaan para mabasawan ang krimen sa NCR.

Ang pagkaunti anya ng bilang ng mga drug addicts ay magreresulta sa mas kaunting bilang ng mga aktibidad at insidenteng may kinalaman sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.