Plano ni Scarlett Johansson na gumanap bilang isang transman umani ng pambabatikos

By Justinne Punsalang July 09, 2018 - 12:09 AM

AP

Negatibong reaksyon ang tinanggap ni Scarlett Johansson matapos niyang ihayag ang kagustuhang gumanap bilang isang transgender man sa isang pelikula.

Nitong nakalipas na linggo ay inanunsyo na si Scarlett ang gaganap na bida para sa pelikulang “Rub & Tug” na tatalakay sa buhay ng isang prostitution ring leader na si Dante ‘Tex’ Gill na isang transman. Ibig sabihin ayipinangak si Gill na isang babae ngunit ang kanyang tingin sa kanyang sarili ay isa lalaki.

Simula nang ilabas ang naturang anunsyo ay marami ang naglabas ng kritisismo, partikular ang mga transgender actors at mga trans advocates. Ayon sa mga ito, mas makabubuti kung ang gaganap sa karakter ay isang transman na aktor.

Lalo pang lumaki ang isyu matapos magkomento ni Scarlett sa pamamagitan ng kanyang representative na kung siya ay babatikusin para sa kanyang pagganap ay dapat rin iparating ito sa iba pang mga aktor na gumanap ng transgender role katulad nina Jeffrey Tambor, Jared Leto, at Felicity Huffman.

Ang tatlong mga nabanggit na aktor ay pawang nakatanggap ng pagkilala sa kanilang mga pagganap bilang transgender.

Ayon sa transwoman actress na si Trace Lysette na isa rin sa mga hindi sangayon sa pagganap ni Scarlett bilang transgender, isang pagnanakaw ang pagganap ng isang hindi transgender na aktor sa isang karakter na transgender. Bukod pa aniya ito sa natatanggap na parangal ng mga aktor para sa panggagaya sa kanilang pamumuhay.

Hinamon rin ng isa pang transgender actress na si Jamie Clayton ang produksyon ng pelikula na mag-cast ng mga transactors para sa mga non-trans parts.

Aniya, ang mga aktor na hindi naman transgender ay maaaring makakuha ng transgender na karaker, ngunit ang mga transactor ay hindi nabibigyan ng kaparehong oportunidad.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang kampo ni Scarlett tungkol sa nasabing isyu.

Una nang nakatanggap ng kritisismo si Scarlett matapos niyang gumanap bilang Japanese robot sa pelikulang “Ghost in the Shell.” Ayon sa mga kritiko, isa itong halimbawa ng ginagawang whitewashing ng Hollywood.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.