Sugatang dolphin nasagip sa Pangasinan

By Chona Yu July 08, 2018 - 04:00 PM

Contributed Photo

Isang sugatang dolphin ang nasagip ng mga residente sa Bolo Beach sa Alamimos City, Pangasinan.

Ayon kay Toots Orfinada ng Hundred Islands National Park, wala nang ngipin ang nasagip na dolphin.

Nabatid na may sugat din sa likod ang naturang dolphin.

Dinala na ngayon sa Karias Island ang dolphin para lapatan ng lunas.

Ayon kay Orfinada, masyadong mahina para pakawalan agad sa dagat ang dolphin na may haba na dalawang metro.

Nabatid na noong July 2 lamang, isang dolphin na may haba na 1.8 meter ang nasagip rin ng mga otoridad sa parehong lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.