Panukalang federal constitution ipiprisinta kay Pangulong Duterte bukas

By Chona Yu July 08, 2018 - 08:05 PM

Ipipresenta na bukas, araw ng Lunes, July 9, ng Consultative Committee (Con-Com) kay Prodrigo Rodrigo Duterte ang proposed federal constitution.

Gaganapin ang handover ceremony sa Palasyo ng Malacañan, alas-3:45 ng hapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang malaking hakbang ito para matupad ng pangulo ang kanyang pangako sa taumbayan na babaguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa federalism.

Sinabi pa ni Roque na umaasa ang Palasyo na bibigyan ng bigat ng Kongreso ang rekomendasyon ng Con-Com.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na pinaghahandaan na rin ng Palasyo na ilatag sa taumbayan ang naturang panukala sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.