Jeron Teng balik-PBA na

By Chona Yu July 08, 2018 - 02:00 PM

Balik na sa paglalaro sa
Philippine Basketball Association (PBA) si Jeron Teng.

Ito ay matapos masaksak ang Alaska Aces player noong nakaraang buwan sa isang bar sa Taguig City.

Ayon kay Teng, patuloy siyang nag-eensayo para tuluyang gumaling sa paglalaro.

Nabatid na noong Biyernes, nakapagtala ng 7 puntos si Teng at 2 rebounds nang makalaban ang Phoenix Fuel Masters para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Teng, naging maingat na siya ngayon sa pakikisalamuha sa kapwa matapos ang insidente ng panananksak sa Taguig City.

Bukod kay teng, nasaksak din sa naturang insidente ang dalawa niyang dating kamahang manlalaro sa De La Salle University.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.