Mga mambabatas walang personal na motibo sa pagpapatupad ng Charter Change

By Chona Yu July 08, 2018 - 04:39 PM

Tiniyak ni Senador Koko Pimentel na hindi makikinabang ang mga incumbent officials, maging si Pangulong Rodrigo Duterte, kapag naipatupad na ang Charter Change.

Ayon kay Pimentel, walang personal motive ang mga mambabatas sa pagbabago sa Saligang Batas kundi ang mabigyan ng benepisyo ang taumbayan.

Naniniwala si Pimentel na federalism ang tanging solusyon para umasenso ang mga rehiyon.

Una rito, sinabi ni Julio Teehankee, chairman ng Consultative Subcommittee on Political Reform na maaaring tumakbo si Pangulong Duterte sa ilalim ng bagong konstitusyon.

Ngunit agad ding binawi ni Teehankee ang kanyang pahayag at iginiit na nagkamali lamang siya ng interpretasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.