30 katao arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City

By Justinne Punsalang July 08, 2018 - 06:18 PM

Timbog ang 30 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) noong Sabado.

Lahat ng mga naaresto ng mga otoridad ay pawang mayroong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kabuuan, 44 na sachet na naglalaman ng shabu at iba’t ibang mga drug paraphernalia ang narekober mula sa mga naarestong drug suspek.

Pinakamaraming nalambat ang QCPD Station 6 matapos maaresto ang 15 katao, 12 mula sa mga ito ay naaktuhan sa kalagitnaan ng shabu session. Habang ang natirang 3 naman ay naaresto sa pamamagitan ng buy bust operation.

9 naman ang naaresto ng QCPD Station 5 matapos magkasa ng magkahiwalay na drug buy bust operation.

Samantala, sa QCPD Station 7 naman, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga otoridad ay nahulihan ang isang lalaki ng ipinagbabawal na gamot.

Naaktuhan naman ng mga operatiba ng QCPD Station 11 ang 3 kalalakihan sa gitna ng pot session.

Nagpasalamat si QCPD director Chief Superintendent Joselito Esquivel sa mga sibilyan at kawani ng barangay na kanilang katuwang sa paghuli ng mga sangkot sa iligal na droga sa kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.