13 ASG members sa Sulu, sumuko sa militar

Boluntaryong sumuko ang 13 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa tropa ng pamahalaan sa Talipao, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command, dala ng mga dating rebelde ang ilang matataas na kalibre ng baril kasabay ng pagsuko kay Lt. Col. Jessie Montoya ng Second Special Forces Battalion.

Kabilang sa mga naibalik na armas ang tatlong M16, dalawang US M1 Garand rifle, isang caliber .30 at tatlong caliber .45 pistol.

Dahil sa pagsuko, sinabi ni Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo na makakuha ng support package ang mga ito.

Sa ngayon, sumasailalim sa custodial debriefing sa headquarters ng Second Special Forces Battalion.

Read more...