2 patay, 13 sugatan sa karambola sa Quezon

Patay ang dalawang motorista habang sugatan ang 13 iba pa sa karambola ng tatlong sasakyan sa Atimonan, Quezon.

Ayon kay Chief Insp. Michael Encio, hepe ng Atimonan police, nawalan ng preno ng dinadalang truck ni Elmer Gomez habang binabagtas ang diversion road sa Barangay Santa Catalina bandang 2:40, Linggo ng madaling-araw.

Dahil dito, nabangga ang Mitsubishi L300 van na minamaneho ni Ronnie Panteriore.

Sa tindi ng impact, nadamay sa aksidente ang Isuzu drop side truck na dala naman ng driver na si Randy Asiao.

Dead-on-the-spot ang dalawang sakay ng van na sina Shielo Corbito, 14-anyos, at Evelyn Asiao, 57-anyos.

Sugatan naman van driver kasama ang mga magkakamag-anak na sina Elisio, Irene, Justine, Analyn at Alvin Asiao kabilang sina Medina Castillo, Arlene Corbito, James Angelo Bernal at Brixter Rita.

Ayon kay Encio, patungo sana ang lahat ng miyembro ng pamilya sa Bicol.

Nagtamo rin ng sugat ang truck driver na si Gomez pati ang dalawang kasama na sina Michael Rosales at Guillermo Chavez.

Isinugod ang mga biktima sa Doña Martha Memorial District Hospital sa lalawigan.

Read more...