DFA humingi ng tulong sa Iraq at Libya ukol sa dinukot na 5 Pinoy
Humingi ng tulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa otoridad ng Iraq at Libya na mapalaya ang limang Pilipino sa magkakahiwalay na insidente ng pagdukot sa dalawang bansa noong Biyernes.
Sa pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na iniulat ng mga embahada sa Baghdad at Tripoli ang sinapit ng limang Pinoy.
Tiniyak ni Cayetano ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga otoridad sa Iraq at Libya.
Sa inisyal na ulat ng embahada sa Baghdad, apat na Pinay ang magkakasamang hinarang ng mga armadong lalaki sa lugar sa bahagi ng isang highway sa Uzem District ng Kirkuk.
Dinukot ang dalawang Pinay habang maswerte namang nakatakas ang dalawang iba pa na ngayon ay nananatili sa kustodiya ng pulisya.
Sa Libya naman, sinabi ni Chargé d’Affaires Mardomel Melicor na pinasok ng mga armadong lalaki ang construction site sa layong 500 kilometro mula sa Tripoli.
Sa ngayon, hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga dumukot na armadong grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.