DENR, kampanteng maabot ang deadline ng Bora reopening
Kampante ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maabot ang deadline sa pagbubukas ng Boracay Island sa buwan ng Oktubre.
Pansamantalang isinara ang isla mula sa mga turista simula April 26 dahil sa environmental problems.
Sa isang panayam, sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones na positibo ang resulta ng mga isinasagawang aktibidad sa rehabilitasyon.
Aniya, unti-unti nang pumapasa sa standards ang paglilinis ng easement sa beach front nito.
Ipinag-utos din aniya ni Enviroment Secretary Roy Cimatu sa mga may-ari ng hotel at resort na bumuo ng sariling sewage treatment plan para maisaayos ang wasterwater.
Dagdag nito, posible pang mapaigsi ang 6-month deadline ngunit mananatili pa rin aniya sa orihinal na target date para matiyak ang kaayusan sa naturang isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.