Aplikasyon bilang punong mahistrado ng SC, bukas na
Inanunsiyo na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagsisimula ng pagbubukas ng aplikasyon sa susunod na uupo bilang chief justice ng Korte Suprema.
Naglabas ang JBC ng newspaper advertisement para ipaalala ang ilang alituntunin sa aplikasyon.
Ayon sa JBC, dapat sundin ang lahat ng requirements ng seven-member body base sa 1987 Constitution.
Magsasagawa rin ng screening sa mga aplikante para judicial post.
Para naman sa mga aplikanteng mula sa pribadong sektor, kinakailangang nakapagsilbi sa gobyerno ng 10 taon at magsumite ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALNs) sa loob ng 10 taon.
Matatandaang napatalsik sa pwesto si Maria Lourdes Sereno dahil sa kinaharap na qup warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.