7 kahon na naglalaman ng armas, nasabat sa Cagayan

Nasamsam ng mga tauhan ng Cagayan Economic Zone Authority (Ceza) ang ilang armas sa Lal-lo airport sa Cagayan.

Ayon kay Ceza administrator Raul Lambino, pitong kahon na naglalaman ng M16 rifles at handguns ang nasabat ng otoridad sa nasabing paliparan.

Aniya, nakatakda sanang dalhin ang mga armas ng grupo ng ilang Chinese nationals sa Cagayan North International Airport sa bayan ng Lal-lo noong June 28.

Unang idineklara na naglalaman ang mga kahon ng daragon fruits at lumang casino chips.

Read more...