Sen. Grace Poe, humingi ng dagdag na panahon sa SET para maisumite ang kaniyang DNA

By Isa Avendaño-Umali October 21, 2015 - 01:25 PM

grace-poe2Humirit ang kampo ni presidential aspirant at Senadora Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal ng “extension” para sa pagsusumite ng kanyang DNA.

Pero wala pang pasya ang SET sa hiling ng kampo ni Poe, dahil ipapamahagi pa ang mga kopya ng mosyon sa siyam na miyembro ng Lupon.

Ngayong araw ay inaasahang isusumite ni Poe ang resulta ng kanyang DNA, matapos bigyan ng SET ng tatlumpung araw ang kampo ng Senadora.

Subalit ayon kay SET spokesperson at Secretary Irene Gueverra, sa pamamagitan ng abogado ni Poe na si Atty. Alex Poblador ay humingi ng extension si Poe.

Hindi naman binanggit ni Poblador ang rason ng paghingi ng extension sa pagsusumite ng DNA sample documents.

Nauna nang inihayag ni Poblador sa oral arguments ng SET sa Korte Suprema noong September 21 na sumasailalim ang senadora sa DNA testing sa gitna ng mga kumukwestiyon sa kanyang citizenship.

Pero paninindigan ni Poblador, Pilipino si Poe sa kabila ng kanyang pagiging foundling.

TAGS: GracePoeasksformoretimetosubmitDNA, GracePoeasksformoretimetosubmitDNA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.