PNP Provincial Director sa Benguet, sinibak dahil sa dami ng nasawi sa Lando sa kaniyang nasasakupan
Iniutos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento ang pagsibak sa pwesto sa provincial police director ng lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Sarmiento, pinasibak niya si Senior Superintendent David Lacdan, dahil sa dami ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Lando sa kaniyang nasasakupang lalawigan. “I asked the PNP chief to relieve Benguet Provincial Director for big number of casualties,” ayon kay Sarmiento sa panayam sa kaniya sa Casiguran, Aurora.
Nasa Casiguran ngayon si Sarmiento ang iba pang cabinet secretaries para magsagawa ng inspeksyon at relief distribution.
Ayon kay Sarmiento, hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng paalala at babala kay Lacdan sa posibilidad na magkaroon ng landslides sa Benguet kapag tumama na ang bagyong Lando.
Ito ay para mapaghandaan sana ng maaga ng pulisya ang epekto ng bagyo.
Sinabi ni Sarmiento na bagaman may preparasyon, hidni aniya ito naging sapat. “With Benguet’s terrain, malaki ang possibility na may landslide. May preparation pero kulang. The police’s job is to serve and protect,” dagdag pa ni Sarmiento.
Sa kasalukuyang datos ng NDRRMC, 26 ang nasawi sa bagyong Lando at ang may pinakamataas na bilang ng nasawi ay ang Cordillera Administrative Region na nakapagtala ng pitong casualties.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.