Habagat, nagpapaulan sa western sections ng Luzon at Visayas
Patuloy na magdadala ng pag-uulan ang southwest monsoon o hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA ang Metro Manila, MIMAROPA, Zambales, Bataan, Batangas, Cavite at kanlurang Visayas ay patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas pa rin ng maaliwalas at maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng pag-ulan dulot ng localized thuderstorms.
Samantala, ang bagyong binabantayan naman ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay huling namataan sa layong 1,875 kilometro Silangan ng Gitnang Luzon.
Napanatili ng bagyo na may international name na ‘Maria’ ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 225 kilometro kada oras.
Kumikilos pa rin ito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Inaasahan na itong papasok sa bansa bukas at magpapalakas sa Habagat bagaman inaasahang hindi tatama sa kalupaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.