Dating NBA player Tyler Honeycutt, nagpakamatay

By Isa Avendaño-Umali July 08, 2018 - 04:13 AM

Patay ang isang dating NBA player makaraan ang standoff sa mga pulis.

Natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang tahanan si Tyler Honeycutt, 27-anyos at dating player para sa Sacramento Kings.

Batay sa ulat, mismong ang nanay ni Honeycutt ang tumawag at nag-report sa pulis ukol sa ikinikilos ng anak.

Ayon sa mga otoridad, binaril ni Honeycutt ang mga pulis, at buti na lamang ay walang natamaan.

Gumanti ang mga pulis subalit hindi natinag si Honeycutt.

Pinasok na ng SWAT team ang bahay nito, kung saan nakita ang bangkay ng isang lalaki.

Kinalauna’y kinumpirma ng mga pulis na ang lalaki ay si Honeycutt na nasawi sa “self-inflicted gunshot wound” o suicide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.