Hindi bababa sa apatnapu’t siyam (49) na katao ang nasawi habang apatnapu’t walo (48) ang nawawala dahil sa torrential rains sa central at western Japan.
Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, nasa 1.6 milyong indibidwal ang nailikas na, samantalang mahigit tatlong milyong residente ang pinapayuhang lisanin na ang kanilang mga tahanan dahil sa banta ng pagbaha at landslides.
Aabot sa 48,000 na mga pulis, bumbero at mga tauhan ng Self-Defence Forces ng Japan ang idineploy upang tumulong sa rescue efforts.
Marami sa mga residente ang nananatili pa rin sa bubong ng mga bahay, at naghihintay ng pagsagip.
Batay sa Meteorological Agency ng Japan, nananatili ang special weather warnings para sa tatlong prefectures sa main island ng Honshu.
Hinihimok ang lahat ng mga residente na mag-ingat lalo’t inaasahan pa rin ang landslides, pag-apaw ng mga ilog at malalakas na hangin sa kasagsagan ng tinatawag na “historic rains.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.