England, pasok na sa FIFA World Cup semi-finals

By Isa Avendaño-Umali July 08, 2018 - 03:50 AM

AP Photo

Pasok na ang England sa semi-finals ng FIFA World Cup.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa England na makasabak muli sa semi-finals ng FIFA WC, makalipas ang dalawampu’t walong taon.

Tinalo ng koponan ng England ang katungguli nitong grupo mula Sweden, sa iskor na 2-0, sa Samara quarter-finals.

Ang goals mula kina Harry Maguire at Dele Alli ay naging sapat upang maselyuhan ng England ang pwesto sa final four.

Posibleng ang koponan ng Russia o Croatia ang susunod na makakaharap ng England.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.