Konsehal patay sa pamamaril sa Lanao del Sur

Patay ang isang konsehal habang tatlo ang sugatan sa isang pag-atake sa Lanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Nassif Palawan Bansil, 31-anyos at municipal councilor sa Kapatagan, Lanao del Sur.

Kabilang naman sa sugatan ay si Alvin Abdullah Sampian, 35-anyos at dating kapitan ng Barangay Poblacion, Balabagan.

Batay sa Balabagan Municipal Police, “rido” ang isa sa motibo ng krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Bansil at tatlong iba pa ay nasa compound ni dating Balabagan Municipal Mayor Hadji Amer Sampiano nang pumasok sa bahay ang nasa limang suspek na nakasakay sa isang asul na Toyota Tamarraw FX at pinagbabaril ang mga biktima.

Agad na tumakas ang mga salarin, na wala pang pagkakakilanlan.

Patuloy naman ang paghahanap sa mga suspek.

Read more...