Presyo ng petrolyo, muling tataas sa susunod na linggo

FILE

Magpapatupad ng panibagong pagtaas sa pesyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Nasa pagitan ng P0.40 at P0.50 kada litro ng diesel ang nakaambang dagdag presyo.

Ang presyo ng gasolina ay tataas sa pagitan ng P0.30 at P0.40 kada litro.

Magmamahal din ang presyo ng kerosene sa pagitan ng P0.60 at P0.70 kada litro.

Ito ang ikalawang sunod na pagtaas ng presyo ng langis base sa paggalaw sa world market.

 

Read more...