Ilang kahilingan para sa BBL, hindi maibibigay

FILE

Aminado si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi maibibigay ng Senado ang lahat ng kahilingan ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ipinahayag ito ni Zubiri sa gitna ng mga panawagang paghina umano ng BBL kasunod ng mga pag-amyenda ng Senado.

Naniniwala si Zubiri na sa halip, mas napalakas pa nito ang BBL. Aniya, maaari namang ibalik ang ilang inalis na probisyon na nais ng BTC, ngunit hindi aniya sadyang matutupad ng Senado ang ilan sa mga ito.

Ayon kay Zubiri, halimbawa na lamang nito ang paghihiwalay ng pulisya at militar ng Bangsamoro sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ng Senador na tanging hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim pa rin ang pulisya at militar ng Bangsamoro sa AFP at PNP. Ayon kay Zubiri, ito ay para maiwasan pagkakaroon ng mga armadong grupo, partikular ng private armies.

Samantala, ipinahayg ni Zubiri na tinukoy na ng mga mambabatas ang mga kontrobersyal na probisyon at tatalakayin ito sa bicameral committee report sa Lunes.

 

Read more...