2 Pinay, dinukot sa Iraq

By Rohanisa Abbas July 07, 2018 - 07:57 PM

Google Maps

Dinukot ang dalawang Pinay sa Iraq, ayon sa isang ulat.

Ayon sa ulat ng Reuters, sinabi ng mga otoridad na dinukot ang dalawang Pinay sa kalsadang nagkokonekta sa mga lungsod ng Baghdad sa Krikuk.

Ayon sa dalawang source mula sa militar, patungo sa Erbil, Kurdistan ang dalawang Pilipina kasama ang tatlong iba pang Pilipino.

Nasira ang kanilang sasakyan at bumaba ang dalawang babae.

Dito na sila dinukot ng mga hindi nakilalang kalalakihan sakay ng dilaw na sasakyan.

Hindi naman matukoy ng militar ang pagkakakilanlan ng mga suspek, at maging ang motibo sa krimen.

Laganap ang pagdukot ng teroristang grupong Islamic State sa lugar sa mga nakalipas na linggo.

 

TAGS: dinukot, Iraq, Kidnap, overseas Filipino, dinukot, Iraq, Kidnap, overseas Filipino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.