Imbes na bigyang katwiran, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na dapat gumawa ng paraan ang gobyerno para tugunan ang mataas na inflation rate o pagsipa ng presyo ng mga bilihin gayundin ang paghina ng halaga ng piso.
Sa kanyang tweet ay nagpahayag si Lacson ng kanyang sentimyento sa paggiit ng Malakanyang na hindi dapat ipag-alala ang 5.2 percent inflation increase noong Hunyo.
Ayon sa senador, hindi dapat i-justify ang mataas na inflation at mahinang piso bagkus dapat ay may gawin ang pamahalaan.
Una ng sinabi ng Philippine Statistics Office na ang pagtaas ng inflation ay bunsod ng pagsipa ng presyo ng tinatawag na mga sin products gaya ng alak at sigarilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.