Main building ng Romblon State University, nasunog

PNP Mimaropa

Tinupok ng apoy ang ilakawang palapag ng main building ng Romblon State University sa bayan ng Odiongan Sabado ng hapon.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, Mimaropa police information officer, inaalam pa ang dahilan ng sunog na nagsimula alas 1:45 ng hapon.

Nasunog anya ang buong second floor ng administration building na nasa Bgy. Liwanag.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection ang fire out alas 3:00 ng hapon.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng ari arian na natupok.

Read more...