Militar tumutulong sa paglilipat ng mga pasyente na may dengue mula Itbayat, Batanes para gamutin
Dinala ng militar ang 23 pasyenteng may dengue mula sa isla Itbayat, Batanes sa Basco Provincial Hospital.
Inililipad ng Northern Luzon Command (Nolcom) ng Armed Forces of the Philippines ang mga pasyente tungo sa Basco mula noong July 5.
Gayunman, ayon kay Nolcom public information officer Lt. Col. Isagani Nato, namatay ang isa sa tatlong nasa kritikal na kundisyon bago pa man i-airlift kahapon.
Humiling ng tulong si Batanes Governor Marilou Cayco sa Philippine Air Force at Philippine Coast Guard na mailipad ang mga pasyenteng may dengue dahil walang kakayanan ang ospital sa Itabayat na gamutin ang mga ito.
Una nang nagpadala ng dalawang doktor si Cayco sa Itbayat para mapigilan ang outbreak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.