Hindi na matatawag na cesspool ang isla ng Boracay, ayon sa Department of Natural Resources.
Ipinahayag ni DENR Undersecretary at deputy spokesman Benny Antiporda na 80% hanggang 90% ng maruming tubig sa Boracay ay nalinis na.
Iginiit din ng opisyal na nagpalabas na ng kautusan ang ahensya kung saan inoobliga ang mga hotel na na magtayo ng sewage treatments.
Ayon kay Antiporda, on target ang gobyerno sa anim na buwang rehabilitasyon sa isla.
Tiniyak din ng opisyal na mapananatili ang kalinisan sa isla.
MOST READ
LATEST STORIES