7 barangay sa Kabacan, Cotabato isinailalim sa state of calamity

By Angellic Jordan July 07, 2018 - 01:34 PM

Inquirer file photo

Isinailalim sa state of calamity ang pitong barangay sa Kabacan, Cotabato dahil sa pagtaas ng tubig-baha.

Tuloy-tuloy na naranasan ang malakas na pag-ulan bunsod ng thunderstorms sa lugar.

Dahil dito, tumaas ang lebel ng tubig at naapektuhan ang mga residente sa low-lying areas ng munisipyo.

Mahigit 2,000 pamilya ang pansamantalang inilikas dahil sa naturang pagbaha at lubog na taniman.

Wala namang napaulat na nasaktan sa sitwasyon ng lugar.

Matatandaang 1,000 pamilya na ang naunang pinalikas sa ibang lugar ng lalawigan bunsod pa rin ng pagbaha.

TAGS: baha, Kabacan Cotabato, State of Calamity, ulan, baha, Kabacan Cotabato, State of Calamity, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.