1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Pangasinan

By Angellic Jordan July 07, 2018 - 10:24 AM

Credit: Google

Patay ang isang babae habang sugatan ang kaniyang mister at dalawang iba pa makaraang makabangga ang motorsiklo sa Umingan. Pangasinan.

Ayon kay Umingan police chief CInsp. Exzur Relatado, nagtamo ang biktimang si Violita Dacumos, 51-anyos, ng severe head injuries habang itinatakbo sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, nakaangkas ang misis sa kaniyang mister na si Mamerto Dacumos, 51-anyos, sakay ng kanilang motorsiklo nang bilang mabangga sa isang paparating na motorsiklo sa bahagi ng provincial road sa Barangay Del Rosario ganap na 6:40, Biyernes ng gabi.

Dahil sa banggaan, sugatan ang sakay ng isa pang motorsiklo na sina Alex Jainar, 28-anyos, at back rider na si Rocky Lapeña, 36-anyos.

Ayon kay Relatado, lahat ng biktima ay tumalsik sa sinasakyang motorsiklo dahil sa impact ng banggaan.

TAGS: motorsiklo, Umingan police, motorsiklo, Umingan police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.