2 sugatan matapos mabangga ng trak sa Quezon

Sugatan ang isang motorcycle rider at limang taong gulang na lalaki matapos mabangga ng trak sa Candelaria, Quezon.

Ayon kay Quezon police director Sr. Supt. Osmundo de Guzman, binabagtas ng motorcycle driver na si Novilito Estolano kasama ang angkas na si Nielven Espenosa ang Maharlika Highway sa Barangay Malabanban Norte nang biglang mabangga ng paparating na truck dakong 3:50, Sabado ng madaling-araw.

Tumalsik ang mga biktima at nagtamo ng multiple body at head injuries.

Agad naisugod ang mga sugatan sa Peter Paul Medical Center.

Inaresto naman ang truck driver na si Nemar Factor at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...