Tony Parker, lipat Charlotte Hornets na

Inquirer file photo

Lilisanin na ni NBA basketball star player Tony Parker ang San Antonio Spurs sa susunod na play-offs.

Batay sa ulat, pumayag na si Parker sa $10-million contract kasama ang Charlotte Hornets sa loob ng dalawang taon.

Gayunman, hindi pa pirmado ang naturang kontrata sa naturang koponan.

Wala kasi ang starting role ni Parker sa Spurs sa nagdaang huling season.

Sa paglipat ni Parker, makakasama ulit nito ang dating Spurs assistant na si James Borrego na ngayon ay nagsisilibing head coach ng Charlotte.

Matatandaang napabilang si Parker sa Spurs ng 17 season kung saan nakakuha pa ng apat na NBA championship sa koponan.

Read more...