PNP, handang harapin ang imbestigasyon sa Mahindra patrol vehicles
Handang makipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa kontrobersyal na pagbili ng P1.89-billion Mahindra patrol vehicles noong 2015.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na magbibigay ng mga kinakailangan dokumento ang PNP para sa isasagawang imbestigasyon.
Nais ni Senadora Grace Poe na isagawa ang imbestigasyon sa araw ng Martes, July 10, sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 777.
Giit ni Poe, nakompromiso na ng ‘lemon’ Mahindra patrol vehicles ang seguridad at naapektuhan ang pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.