3 Pinoy, 1 Koryano dinukot ng armadong grupo sa Libya
Dinukot ang tatlong Pilipino at isang Koryano ng hindi pa nakikilalang armadong grupo sa isang water plant sa Libya.
Batay sa ulat, dinukot din ang ilang Libyan workers sa Al-Hassouna plant ngunit kalaunan ay pinalaya rin.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Great Man-made River Project ang pagdukot sa mga biktima at humiling sa agarang pagpapalaya ng mga ito.
Pare-parehong nagtatrabaho ang mga biktima bilang technician sa nasabing planta.
Hindi naman binanggit kung ang Koryano ay mula sa North Korea o South Korea.
Matatandaang may presensya ng ilang armadong grupo at mga militanteng Islamist na konektado sa al Qaeda at Islamic State sa nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.