Halos P500,000 halaga ng marijuana ang nasamsam sa buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.
Ayon sa pulisya, anim na katao ang hinuli ng pulisya kasama ang isang menor-de-edad.
Bumili ng P4,000 halaga ng marijuana ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer.
Kasunod nito, agad pinuntahan ng pulisya ang bahay ng mismong target sa bahagi ng Barangay San Bartolome na pinaniniwalaang drug den.
Bunsod nito, naaresto ang target kasama ang nobyo at apat na iba pa.
Nakuha rin mula sa mga suspek ang apat na kilo ng marijuana.
Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES