Suspensyon vs 4 ERC commissioners, ipapatupad sa Lunes
Nakatakda nang ipatupad ang suspensyon laban sa apat na commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Lunes, July 9.
Sa isang pahayag, sinabi ni ERC chairperson Agnes Devanadera na dalawa sa apat na opisyal ay magreretiro na sa Martes, July 10.
Aniya, natanggap nito ang memo mula sa Office of the Executive Secretary bandang 6:00 ng gabi. Ngunit, nakaalis na aniya siya sa nasabing oras.
Inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang memo sa suspensyon nina Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricial Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana sa loob ng 3 buwan dahil sa pagpapabaya sa trabaho.
Gayunman, tiniyak ni Devanadera na handa ang ahensya sa transition period.
Magiging bukas din aniya ang ahensya para sa pagbuo ng servisyo maliban sa kailangan aksyon ng Commission en banc.
Matatandang ipinag-utos ng Palasyo ng Malakanyang ang suspensyon laban sa mga nasabing opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.