Habagat nakakaapekto pa rin sa western sections ng Visayas at Luzon

By Rhommel Balasbas July 07, 2018 - 06:29 AM

Patuloy pa ring nakakaapekto ang southwest monsoon sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Bataan, Batangas, Mindoro, Palawan at kanluran at gitnang bahagi ng Visayas.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay mararanasan ang maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyong nasa labas ng bansa na may international name na ‘Maria’.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,005 kilometro Silangan ng Gitnang Luzon.

At taglay nito ang lakas ng hanging aabot 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 225 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras at inaasahang papasok sa bansa sa araw ng Lunes.

Hindi pa rin ito inaasahang tatama sa kalupaan ngunit hahatakin nito ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.