Nasawi sa lumubog na tourist boat sa Thailand, pumalo na sa 33
Umabot na sa 33 ang nasawi matapos lumubog ang tourist boat lulan ang karamihan ay Chinese passengers sa Phuket, Thailand.
Ang bangkang may pangalang ‘Phoenix’ ay may kabuuang sakay na 105 katao at lumubog dahil sa sama ng panahon Huwebes ng gabi.
Ayon kay Phuket Provincial Governor Noraphat Plodthong, 23 katao ang patuloy na hinahanap habang 49 na ang nailigtas.
Sinabi ni Noraphat na ititigil pansamantala ang search and rescue operations hanggang ngayong umaga ng Sabado dahil sa lakas pa rin ng hangin at alon ng dagat na delikado para sa divers.
Snabi naman ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang na nagpadala na ang China ng ‘taskforce’ para tulungan ang Thailand sa insidente.
Tinatayang umaabot sa limang metro ang taas ng alon nang maglayag ang passenger boat dahilan para ito ay bumaligtad at lumubog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.