6 arestado, menor de edad na-rescure dahil sa marijuna sa QC
Kalaboso ang limang katao habang na-rescue naman ang isang menor de edad sa ginawang buy bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sa Brgy. San Bartolome, Novaliches.
Kinumpirma din ni P/Supt. Rossel Cejas, na aabot sa apat na kilong marijuana ang nakuha sa mga suspek.
Aminado naman si alyas ‘Jojo’ na kanya ang kilo-kilong marijuana na narekober ng mga pulis, habang mariin nitong itinanggi na kasama niya sa pagbebenta ng bawal na gamot ang kanyang kasintahan maging ang tiyuhin nito na kasamang nahuli ng mga pulis.
Nabisto rin ng mga otoridad na sa online umano nagbebenta ng marijuana si alyas ‘Jojo’, at pawang mga parokyano nito ay mga kabataan.
Nakuha sa mga suspek ang nasa apat na kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P464,000, timbangan at buy bust money na apat na libong piso
Nahaharap naman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek, habang dinala naman sa pangangalaga ng DSWD ang 14 anyos na binatilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.