Publiko, kinonsulta sa pagpasok ng ikatlong telco player

By Jan Escosio July 06, 2018 - 08:48 PM

Kuha ni Jan Escosio

Isinagawa ang pangatlong consultation meeting ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpasok ng ikatlong major telecommunication player.

Inilatag sa pagtitipon ang dalawang draft ng term of reference o TOR para sa pagkuha ng bagong telco.

Ito ay sa pamamagitan ng committed level of service o CLOS at auction.

Sa CLOS, sinabi na dapat ay may P10 billion minimum capital ang papasok ng telco habang sa auction ay magsasagawa ng bidding na magsisimula sa minimum bid na P6.28 billion.

Binanggit ni National Telecommunications Commission (NTC) Chief Gamaliel Cordova na walang ilalabas na pera ang gobyerno sa pagpasok ng mga bagong player sa sektor ng telekomunikasyon.

Sa ganitong paraan ay hindi magkakaroon ng katiwalian dahil walang mapapaboran.

Inamin naman ni DICT Secretary Eliseo Rio na minamadali nila ang pagpasok ng third player dahil kinukulit na rin sila ukol dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: 3rd telco, Chief Gamaliel Cordova, committed level of service o CLOS, dict, NTC, Rodrigo Duterte, Secretary Eliseo Rio, term of reference o TOR, 3rd telco, Chief Gamaliel Cordova, committed level of service o CLOS, dict, NTC, Rodrigo Duterte, Secretary Eliseo Rio, term of reference o TOR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.