Pilipinas hindi baon sa utang dahil sa Build, Build, Build ayon sa DOF

By Len Montaño July 06, 2018 - 08:30 PM

Pinawi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III ang pangamba na baon na sa utang ang Pilipinas dahil sa pagsusulong ng gobyerno sa proyektong pang-imprastraktura na Build, Build, Build program.

Pahayag ito ni Dominguez kaugnay ng obserbasyon na mas gusto ng Pilipinas na mangutang sa China na binabatikos dahil sa pagpapautang kapalit umano ng pakikialam sa pinautang na bansa.

Ayon sa kalihim, steady pa rin sa 42.1 percent ang debt percentage sa gross domestic product gaya noong 2016.

Kumpyansa si Dominguez na ang mabilis na pag-unlad ng domestic economy ay magiging dahilan para mabawasan ang utang panlabas ng bansa at bumaba ito sa 39 percent sa 2022.

Sa ngayon, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na isang loan agreement lang ang pinirmahan ng Pilipinas at Chona na gagastusin sa P3.135 billion Chico River Pump Irrgation Project.

 

TAGS: Buld Build, Department of Finance, Radyo Inquirer, Buld Build, Department of Finance, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.